KALIBO — Target umano ng Malay Municipal Tourism Office (MMTO) ang nasa 51,000 tourist arrival ngayong Holy Week season sa isla ng Boracay.
Sinabi ni Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, Jr. na umabot sa 54,887 ang mga turistang pumasok sa isla noong 2017 habang 50,113 lamang noong 2018 na bumaba ng mahigit sa 4,000 dulot ng pagpapasara sa isla nang anim na buwan.
Sa pinakahuling tala ng MMTO, 80% ng tourist arrival ay pawang mga Chinese at Koreans.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang mahigpit na pagbabantay sa entry at exit boarder ng isla at sa mainland Malay para sa kaligtasan ng mga turista at bakasyunista.
Nabatid na nasa 326 establishments na may 11,943 rooms ang accredited ng Boracay Inter-Agency Management Group (BIAMG) na maaaring tumanggap ng mga bisita.