-- Advertisements --

Patay ang nasa 51 katao matapos ang pagsabog sa isang minahan sa eastern Iran.

Umabot rin sa mahigit 20 iba pa ang nasugatan sa insidenteng nangyari sa South Khorasan province.

Sa inisiyal na imbestigasyon na nagkaroon ng methane gas explosion sa dalawang block ng minahan sa Tabas.

Ayon kay Khorasan governor Javad Ghenaatzadeh na mayroong kabuuang 69 katao ang nasa loob ng minahan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.