Hindi bababa sa 51 katao ang namatay sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa transportasyon sa Pakistan nang bumagsak ang isang bus sa tulay at tumaob ang isang bangka na lulan ng mga bata.
Ayon sa opisyal ng Pakista, apatnapu’t isa sa ngayon ang kumpirmadong patay matapos bumagsak ang bus sa bangin sa Balochistan, habang hindi bababa sa 10 estudyante ang namatay sa aksidente sa pamamangka sa hilagang-kanluran ng Khyber Pakhtunkhwa.
Sa isinasagawang rescue operation a-abot sa siyam ang nawawala pa rin at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Samantala, may kabuuang 48 pasahero umano ang lulan ng bus nang bumangga ito sa isang haligi sa tulay at tuluyan ng lumubog at nawala.
Sa ngayon, sinisiyasat pa rin ang naging sanhi ng aksidente at sinusuri ang bangkay upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga labi na “badly mutilated”
Nagsusuri na ang mga opisyal sa pamamagitan ng DNA testing at hanggang ngayon ay patuloy ang imbestigasyon at rescue operation.