-- Advertisements --

CEBU – Aabot sa 51 establisyimento ang nahaharap sa demolisyon dahil makatakdang maglalabas ang pamahalaang lungsod ng Cebu ng abiso sa kanilang mga may-ari dahil sa paglabag sa three-meter easement sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Kabilang sa mga ito ang Gaisano Main, Dimsum Break, 138 Mall at Colonnade Mall sa Colon St. na matatagpuan sa Estero de Parian, at Prince Court sa Mabolo, na nasa pampang ng Mahiga River.

Sa pulong ng Task Force Gubat sa Baha sa Mayor’s Conference Room, binigyan ni dating Environment Secretary Roy Cimatu ng go signal ang mga river commander ng Estero Pari-an at Mahiga rivers para mag-isyu ng notice.

Limampung establisyimento sa kahabaan ng ilog Estero de Parian ang makakatanggap ng abiso ngayong Lunes, Nobyembre 28, ani river commander Raquel Arce.

Habang ang Prince Court ay hahatiran ng anunsyo sa unang linggo ng Disyembre.