Mahigit kalahating porsyento ng mga Pilipino ang positibong gaganda ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan ayon sa lumabas na latest survey ng Social Weather Station (SWS).
Isinagawa ang naturang survey sa 1,440 adult respondents mula noong Disyembre 12 hanggang 16 ng nakalipas na taon mulasa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Itinanong sa mga respondents kung ano ang kanilang pannaw sa mangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas sa darating na 12 buwan.
Lumabas sa naturang survey na nasa 51% ang positibo na gaganda ang ekonomiya ng bansa habang pitong porsyento lamang ang naniniwalang worse o economic pessimists at 30 naman ang nananatiling neutral.
Nagresulta ito ng +44 na net economic optimisim score na itinuturing ng SWS na excellent.
Samantala, nasa 45% naman ng adult Filipino ang positibo ang pananaw na gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay, 42 % ang naniniwalang walang pagbabago at 3 % naman ang pessimists o naniniwalang lalala pa ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Ang naturang survey ay mayroong sampling error margins na ±2.6 percent para sa national percentages at ±5.2 percent para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao,