Aabot na sa 51 Pilipino sa Gaza ang humilin para sa repatriation dahil banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.
Ayon pa sa PH envoy, tinatalakay na nila ito kasama ang iba pang mga embahada kung paano makakatulong para sa posibleng repatriation.
Sinabi din ng envoy na lahat ng 139 Pilipino sa Gaza ay ligtas sa gitna ng tumitindi pang bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.
May ilan naman aniyang mga turista na may asawang palestinian na hindi pa nag-request na ma-repatriate
Siniguro din ng envoy na mayroong nakalatag na contingency plan at patuloy na nakikipag-ugnayan sa lahat ng Pinoy sa Gaza at nakabantay sa kanilang kondisyon.