-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa P2.5 million ang naipagkaloob ng DILG Isabela na tulong sa limamput isang rebel returnees at dating kasapi ng militia ng bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Local Government Operations Officer 3 Rhonalyn Maquinad ng DILG Isabela na katuwang nila ang DTI, TESDA, DSWD, NHA , DOLE at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay tulong pananalapi sa mga rebel returnees.

Ayon kay LGO Officer 3 Maquinad, ang DILG Isabela ay nakapagbigay na ng financial assistance sa mga rebel returnee na sumuko simula noong April 3, 2018 sa ilalim ng Enhanced – Comprehensive Local Integration Program ( E-CLIP), ito ay bukod pa sa naibigay sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP).

Sinabi pa ni Maquinad na dumaan ang mga rebel returnee sa enrollment process ng programa.

Ilan lamang sa naipagkaloob sa mga sumukong rebelde at kasapi ng Militia ng Bayan ay ang immediate assistance na labing limang libong piso bawat isa;

ito ay bukod pa sa P50,000 livelihood assistance sa bawat rebel returnee.

Kapag ang rebel returnee at Militia ng Bayan ay nagsuko ng baril ay mayroon guidelines na ginagamit para malaman kung magkano ang ibabayad sa isinukong baril na sasailalim sa evaluation ng AFP,PNP at DILG.

Kapag ang isang rebelde naman ay sumuko sa isang indibidwal , government agency o private organization ay mayroong ipagkakaloob ang DILG ng dalawamput isang libong piso na re-integration assistance.

Sa kabuoan ay nakapagkaloob na ang DILG Isabela ng 2.5 million sa mga rebel returnees sa Isabela.

Sinabi pa ni LGOO 3 Maquinad na mayroon na rin silang na-endorsong request for funding sa DILG Central Office na 3.5 million peros para pondohan ang financial assiatance ng dalawamput apat na bagong rebel returnees kasama na ang mga baril ng sampong former rebels na nauna nang nabigyan ng financial assistance.