Nakatakda nang ipasa ng Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NI) ang 51 sa 52 kasong may kaugnayan sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay DoJ Undersecretary Adrian Sugay, ito ay para sa isasagawa ng NBI na case build-up.
Sinabi ni Sugy sa Laging Handa briefing na dalawang set daw ng dokumento ang ni-review ng DoJ kaugnay ng pagkamatay ng ilang indibidwal sa mga isinagawang anti-illegal drug operations.
Naipadala na rin daw ang resulta ng kanilang review sa Office of the President na siyang nag-utos na ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Dagdag ni Sugay na nasa NBI na raw kung sa tingin ng mga ito ay may sapat na silang ebidensiya laban sa mga isinasangkot na mga pulis sa madugong drug operation ay puwede na nilang ihain ang reklamo sa National Prosecution Service (NPS) ng DoJ.
Pero inirekomenda raw ng DoJ sa NBI na i-review nang maayos ng NBI ang naturang mga kaso.