-- Advertisements --
image 397

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cordillera Administrative Region (CAR) na mayroong nakapreposisyon na 51,039 family food packs sa mga warehouse ng rehiyon kasabay ng pagtataas ng Tropical Cyclone Wind Signals sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Egay.

Base sa data ng DSWD regional office, nasa 32,295 family food packs na nagkakahalaga ng P38.7 million ay nakapreposisyon sa pinamamahalaang warehouse ng DSWD habang ang natitirang 18,744 FFP na nagkakahalaga ng P13.97 million ay nakapreposisyon sa mga warehouse ng mga lokal na pamahalaan.

Mayroong 10,734 food packs sa probinsiya ng Apayao; 8,834 sa Abra; 7,799 sa Kalinga; 2,645 sa Mountain Province; 4,354 sa Ifugao, at 16,673 sa Benguet.

Pagdating sa non-food items, mayroong 29,560 na nagkakahalaga ng PHP65.99 million ang nakapre-positioned. Binubuo ang non-food items ng hygiene kits, kitchen kits, tents at temporary shelters.

Mayroon ding nakalaan na standby funds na P4.44 million ang DSWD-CAR.