LAOAG CITY – Hindi mailarawan ang kasiyahan ng isang 52-anyos na si Mr. Ferdinand Sarandi, residente sa bayan ng Banna sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos matanggap ang kanyang diploma sa pagtatapos niya sa Mariano Marcos State University sa Batac City kahapon.
Nagtapos si Sarandi sa kursong Bachelor of Science in Economics sa nasabing unibersidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Sarandi, hinikayat lamang siya ng kanyang anak na ituloy niya ang kanyang pag-aaral.
Dahil pangarap din ni Sarandi ang makapagtapos sa pag-aaral ay sinamantala nito ang alok sa kanya ng unibersidad na Equivanlency Program na isang home study para mapagsabay nito ang mag-aral habang nagtatrabaho bilang isang utility worker sa Regional Trial Court (RTC) sa nasabing lungsod.
Umaasa si Sarandi na magsilbi itong inspirasyon sa mga kapwa niya matanda na gusto pang makapagtapos sa pag-aaral.
Dagdag niya na hindi hadlang ang kahirapan, maging ang pagiging matanda para matupad ang pangarap sa buhay.
Samantala, umabot sa 10 graduates ang hinimatay sa closing exercises dahil umano sa sobrang init at kalaunan ay biglang umulan ng malakas.