-- Advertisements --

AFPCA1

Binati ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay ang 52 newly promoted AFP officials matapos kumpirmahin ng Commission on Appointments (CA) ang kanilang promotion.

Kabilang sa mga na-kumpirma si Vice Admiral Roberto Enriquez, ang bagong Commander ng Westen Command (WESCOM) na naka base sa Puerto Princesa, Palawan.

AFPCA

Gayundin ang Medal of Valor awardee na si MGen. Bartolome Bacarro, ang bagong Chief of the Office of the Internal Auditor ng AFP.

Siyam na opisyal naman ang kinumpirma bilang bagong Brigadier Generals at dalawang Navy Captians na katumbas ng 1 star general.

Nasa 13 Colonel naman sa Philippine Air Force (PAF); 24 na Colonel sa Philippine Army (PA); 1 Colonel sa Marines at 1 rin sa Corps of Professors ang kinumpirma rin ng CA.

Hinimok naman ni Gen. Gapay ang mga bagong-promote na opisyal na mas lalong I-“dedicate” ang kanilang sarili para sa ikabubuti ng Armed Forces, ng mga mamayan at ng bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.