-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Martes ang karagdagang 520 cases ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant, na sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang bilang na 5,331.

Sa 748 samples na dumaan sa sequencing, sinabi ng DOH na 520 ang nagpositibo sa Delta variant, 83 ang nagpositibo sa Beta variant, at 64 naman ang positibo sa Alpha variant.

Ayon sa DOH, ang Delta variant ang siya paring pinaka-common na lineage sa buong Pilipinas na aabot sa 32.14 percent, na sinundan ng Beta variant sa 21.47 percent.

Hanggang noong Oktubre, sinabi ni Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na ang Delta variant na ang bumubuo sa 99.8 percent ng mga lineages ng samples na nakolekta.

Pero nilinaw ni De Guzman na ang mga sequenced samples na ito ay targeted lamang.