-- Advertisements --
US COVID JHU map
Johns Hopkins University tally

Sa unang pagkakataon nakapagtala ang Amerika ng mahigit sa 50,000 panibagong kaso ng COVID sa loob lamang ng isang araw.

Naitala ang record breaking na new coronavirus infections sa 52,788 nito lamang nakalipas na magdamag.

Nalampasan pa nito ang naunang single-day number of cases na 50,000 noong Lunes.

Samantala limang mga estado ang nagpakita rin ng highest infections na kinabibilangan ng California, Texas, Arizona, North Carolina at Georgia.

Una nang dumami pa sa 37 mga estado sa Amerika ang patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Kaya naman ilang mga siyudad ang umatras na rin na mgabukas ng tuluyan ang ekonomiya bunsod nang pangamba na lumalala pa ng husto ang kakapitan ng deadly virus.