-- Advertisements --
weigh in pacquiao thurman
Pacman Thurman

BACOLOD CITY – Labis na ikinalungkot ng pamilya ng 53-anyos na lalaki matapos itong namatay dahil sa ”excitement” nang ma-knockdown ni fighting Senator Manny Pacquiao si undefeated American boxer Keith Thurman sa unang round pa lang ng kanilang laban sa Las Vegas, Nevada.

Nanonood sa loob ng kanilang bahay si Edgardo Macairan kasama ang ibang miyembro ng kanilang pamilya sa San Mateo Village, Purok Langis, Barangay Banago, Bacolod City, nang bigla na lang sumigaw ang mga ito dahil sa saya nang napatumba kaagad ni Pacquiao si Thurman sa unang round.

Ikinagulat na lang ng ibang miyembro ng pamilya ng bigla silang may narinig na humihilik at nakita nila si Macairan na nakahandusay na sa gilid ng upuan ngunit akala ng mga ito ay natutulog lang.

Dahil dito ipinagpatuloy pa nila ang panonood hanggang round 2.

Nang kanilang ulit tiningnan si Macairan, umiba na ang kulay ng kanyang mukha at doon na dinala ng mga ito sa Riverside Medical Center ngunit ng hindi na siya naisalba.