CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 53 kabahayan ang naka-lockdown sa probinsya ng Sultan Kudarat matapos maitala ang isang COVID-19 positive case.
Ayon kay Isulan Mayor Marites Pallasigue, hindi buong purok at mas lalong hindi buong bayan ang naka-lockdown.
Apat na bahay lamang ang naka-lockdown sa isang purok sa Barangay Kalawag 2,naka-preemptive lockdown din ang pitong pamamahay sa Barangay Kalawag 1 at 42 na mga kabahayan sa Brgy Sampao.
Kinumpirma ng alkalde na ito ‘yong mga lugar na napuntahan ng pasyente bago pa man ito dinala sa ospital at nasawi.
Ito ay paglilinaw ni Mayor Pallasigue sa kumalat na balita na buong bayan ng Isulan ang naka-lockdown subalit fake news umano ito.
Sa ngayon ay naglunsad na nang contact tracing ang Municipal Health Office (MHO) sa mga nakasalamuha ng biktima at hinigpitan pa ang health protocols sa bayan ng Isulan kontra COVD-19.