-- Advertisements --

Nasa 53 katao ang patay karamihan ay migrants mula Central America matapos na bumaligtad ang truck lulan ang mga migrants sa may southern Mexico.

Kabilang sa mga biktima ang ilang mga bata.

Ayon sa Civil Protection Service ng Chiapas state, nasa mahigit 50 katao naman ang sugatan sa aksidente kung saan tatlo dito ang seryosong nasugatan.

Una rito, napag-alamang libu-libung mga migrants ang tumatakas sa kahirapan at karahasan sa Central Amerika sa pamamagitan ng pagtawid sa Mexico sa hangaring makapamuhay ng maayos sa Amerika.

Karamihan pa rito ay binabayaran ang mga smugglers upang sila ay maipuslit lulan ng truck.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Mexico’s President Andrés Manuel López Obrador sa mga biktima ng trahediya.

Hinikayat naman ng Biden administration ang mga migrants na huwag lisanin ang kanilang mga bansa para mamuhay sa Amerika.