Nasa 53% na ng kabuuang P7.5 bilyong pondo na inilaan para sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program ang nagugol na ng gobyerno mula ng irolyo ito noong 2018 ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.
Kabilang dito ang P1.6 billion na itinabi para sa PUV Modernization ngayong 2024.
Kasabay nito nagpahayag ng pagtutol ang kalihim sa suspensiyon ng pagpapatupad ng programa.
Maliban pa sa bilyong pondo na nagastos para sa programa, sinabi din ng kalihim na ang suspensiyon ng programa na isinusulong ng mga Senador sa puntong ito na ipinapatupad ang programa ay makakasira sa relasyon na na-establish ng gobyerno sa stakeholders na namuhunan na sa programa gayong malaking porsyento na aniya ang nag-consolidate.
Saad pa ng DOTr chief na makakaantala ito sa mga serbisyo para sa marami na nakadepende sa mga benepisyo ng programa.