Umabot na sa higit P74-million ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura ng NDRRMC bunsod ng patuloy na pag aalburuto ng bulkang Taal.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal ang lubhang naapektuhan ay ang probinsiya ng Batangas at ilang parte ng Cavite.
Pumalo na rin sa 12,486 pamilya o nasa 53,019 katao ang nailikas at 43,681 dito ang nanunuluyan sa 217 evacuation centers.
Nasa tatlong road section ang hindi passable sa ngayon dahil sa phreatic eruption.
Siniguro naman ni Timbal na sapat ang mga food supplies para sa mga evacuees.
Ang mga local government units kasama ang DSWD ang nangunguna sa pamamahagi ng food at non food items sa mga evacuees.
Samantala umabot na sa halos limang milyong piso ang naipaabot na tulong ng DSWD at DOH sa mga apektado.