Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na matatakot ang mga drug syndicates, pushers at mga drug protector sa intensified campaign ng PNP laban sa iligal na droga.
Pero nilinaw ng PNP na hindi naman ito magiging madugo dahil malinaw naman ang kanilang mga target.
Ayon kay PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana, mararamdaman mismo ng mga drug personalities ang epekto ng kanilang pinalakas na kampanya dahil tiyak na mananagot at mapaparusahan ang mga ito.
Kasama sa kanilang pinalakas na anti-illegal drug operations ay ang internal cleansing sa kanilang hanay.
Positibo din ang PNP na madadagdagan pa ang bilang ng mga drug surrenderees na ngayon ay pumalo na sa 1.2 million.
Target ng PNP na ma account ang nasa 3-4 milyong mga drug personalities, batay sa datos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Durana na magiging transparent ang PNP sa kanilang kampanya lalo na naka abang na ang kanilang mag kritiko.
Iimbitahan ng PNP ang mga local government officials, simbahan at media na samahan sila sa kanilang ikakasang anti- drug operations.
Ipinagmalaki naman ng PNP na bumaba na ang bilang ng mga nanlalaban at namamatay na mga drug suspek sa kanilang operasyon.