Panibagong 5,392 ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Dahil dito ayon sa DOH umakyat pa lalo sa 1,441,746 ang kabuuang mga kaso sa bansa mula noong nakalipas na taon.
Gayunman may 10 mga laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos.
Sa ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID sa bansa ay nasa 51,594, kung saan 91.1 percent sa mga ito ay nakakaranas ng mild symptoms.
Ang kabuuang mga nakarekober sa virus sa bansa ay nasa 1,364,960 na, makaraang panibagong 6,477 ang mga nakarekober.
Ang death toll ngayon sa Pilipinas ay nasa 25,192 kasunod ng 43 mga bagong namatay.
Iniulat din naman ng DOH na nasa 56% ng intensive care unit beds sa bansa ang ginagamit na ngayon ng mga pasyente, samantala may 34% naman na okupado ang mga mechanical ventilators.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 3, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 0.70% sa lahat ng samples na naitest at 1.40% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” ani DOh sa statement.