DAVAO CITY – Wala ng buhay ng makita ng room boy sa loob ng kuwarto ang isang 54-anyos na kustomer sa isang Inn kung saan bago mangyari ang insidente ay may kasama itong babae sa loob ng kuwarto sa Prk. Cafe, Visayan Vill. Tagum City, Davao del Norte.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Tagum PNP, napag-alaman na pumasok ang biktima sa kuwarto at base sa nakuhang dokumento ng otoridad residente ito ng Trento, Agusan Del Sur.
Ayon pa sa roomboy, kumatok sila sa kuwarto matapos na lampas na ng tatlong oras ang biktima ngunit hindi umano ito sumagot.
Tinawagan rin nila ang telepono ngunit hindi rin ito sumagot dahilan na sapilitan nilang binuksan ang pinto.
Sinasabing nasa ibabaw ng kama ang biktima at naninigas na dahilan na humingi sila ng tulong sa otoridad.
Iniimbestigahan na ngayon ng kapulisan ang insidente kung may foul play sa pagkamatay ng biktima pati na ang kasama nitong babae na nag-check in sa nasabing Inn.