Umakyat sa 54 ang mga lugar na binabantayan ng Department of Health (DOH) na nasa highest alert level ng COVID-19 infections.
Ito ay mula sa dating 41 mga areas na tumaas pa ngayon ang bilang.
Pinagbabasehan ng DOH ang alert level 4 kapag ang risk classification ay mula sa moderate ay naging critical.
Maliban pa sa nasa mahigit 70 percent na ang kanilang healthcare utilization rate o intensive care utilization rate.
Ipinapayo ng DOH na dapat agarang magkaroon ng rapid antigen test sa mga lugar na mayroong local Delta variant cases gayundin ay mga granular lockdowns.
Samantala, tinukoy naman ng DOH na pinakabagong nadagdag sa mga nabanggit na lugar sa alert level 4 ay ang Antique, Bohol, Zamboanga Del Sur at Cotabato.
Iniulat din naman ng DOH na sa kabuuan sa Pilipinas nasa 66 percent na ang mga ICU beds na ginagamit sa mga ospital.
Habang sa NCR naman ay 60% na okupado ang mga ICU beds, gayundin ang mga isolation beds na nasa 60% na rin bunsod ng pagdami ng mga COVID patients.
Narito ang mga lugar na na inilagay sa highest alert sa COVID cases:
NCR
- Las PiƱas
- Malabon
- Makati
- Marikina
- Muntinlupa
- Navotas
- San Juan
- Pateros
- Quezon City
- Taguig
- Valenzuela
CORDILLERA
- Apayao
- Baguio City
- Benguet
ILOCOS
- Dagupan City
- Ilocos Norte
CAGAYAN
- Cagayan
- Quirino
CENTRAL LUZON
- Angeles City
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Olongapo City
- Zambales
CALABARZON
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Quezon, including Lucena City
- Rizal
BICOL
- Naga City
- Masbate
WESTERN VISAYAS
- Aklan
- Antique
- Guimaras
- Iloilo
- Iloilo City
CENTRAL VISAYAS
- Bohol
- Cebu
- Cebu City
- Lapu-lapu City
- Siquijor
EASTERN VISAYAS
- Ormoc City
- Tacloban City
NORTHERN MINDANAO
- Bukidnon
- Cagayan de Oro City
- Camiguin
- Lanao del Norte
- Misamis Oriental
SOCCSKSARGEN
- Cotabato (North Cotabato)
- General Santos City
- South Cotabato
CARAGA
- Agusan del Sur