Mas mababa ngayon ang naitala ng Department of Health (DOH) na mga bagong kaso ng COVID-19 kumpara nitong weekend matapos na makapagtala ang kagawaran ng 543 na karagdagang mga dinapuan ng virus.
Nasa ikawalong araw na ngayon na mababa pa sa 800 ang tinatamaan ng virus sa bansa.
Sa kabuuan ang nagkasakit sa COVID-19 sa Pilipinas ay umaabot na sa 2,835,154.
Mayroon namang bagong naitalang mga gumaling na umaabot sa 830.
Ang mga nakarekober sa coronavirus ay umaabot na sa 2,772,107 mula noong nakaraang taon.
Bumaba namang lalo ang bilang ng mga aktibong may sakit sa bansa na nasa 13,548.
Samantala nasa 113 ang nadagdag sa listahan na mga bagong pumanaw.
Nasa ikaapat na araw na ngayon na mahigit pa rin sa 100 ang nadadagdag sa naitatalang nasawi sa bansa.
Ang death toll sa Pilipinas dahil sa deadly virus ay umakyat pa sa 49,499.
Habang mayroong limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“Of the 113 reported deaths, only 14 occurred in December 2021. 21% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” bahagi ng DOH advisory. “12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 are recoveries. In addition, 152 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. Of these, 147 are recoveries. Moreover, 102 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”