-- Advertisements --

Naitala ngayong hapon ng Department of Health (DoH) ang 5,434 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 611 na gumaling at 18 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0 percent (29,809) ang aktibong kaso, 97.2 percent (2,779,706) na ang gumaling, at 1.80 percent (51,604) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 2, 2022 habang mayroong 16 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 16 labs na ito ay humigit kumulang 2.1 percent sa lahat ng samples na naitest at 1.8 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.