-- Advertisements --
Naibenta sa record breaking na $34.8 milyon sa isang auction ang 55.22 carat na ruby.
Ito na ang pinakamalaki at pinakamahal na bato na naibenta sa buong mundo.
Naibenta ang nasabing bato sa isang auction house sa New York isang taon matapos na ito ay madiskubre ng isang Canadian firm na Fura Gems sa isang minahan sa Mozambique.
Itinuring ng Sotheby’s auction na kakaiba at may malaking halaga ang nasabing bato.
Nahigitan nito ang Sunrise Ruby na mayroong 25.59 carat na natagpuan sa Myanmar na naibenta sa halagang $30.3 milyon sa Geneva, Switzerland.