-- Advertisements --

Nasa 55 miyembro na umano ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ang nasawi sa pinaigting na operasyon ng militar.

Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasabing bilang ay mula January 1 hanggang September 30, 2020.

Ayon kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay, nasa 78 na Abu Sayyaf din ang sumuko sa Eastern at Western Mindanao habang anim ang naaresto.

Isinuko rin ng mga terorista ang nasa 97 high-powered at low-powered firearms, pitong improvised explosive device (IEDs), at siyam na kuta o hideout.

Dagdag pa ni Gapay, dahil sa suporta ng gobyerno, mga ahensya ng gobyerno at mataas na moral ng mga sundalo ang matagumpay na operasyon laban sa Abu Sayyaf.