-- Advertisements --

Narekober at natukoy na ang 55 mula sa 67 biktimang nasawi sa US mid-air collision ng American passenger jet at US Army helicopter malapit sa Reagan National Airport, 5 milya mula sa Washington D.C.

Ayon kay Washington D.C Fire and EMS Chief John Donnelly, kumpiyansa ang mga rescuer na marerekober ang nalalabi pang mga biktima mula sa Potomac River kung saan bumagsak ang 2 aircraft.

Nagpapatuloy naman ang salvage operations sa wreckage ng nagsalpukang eroplano at helicopter.

Inaasahan naman na magsasagawa ng lifting operations sa wreckage na nasa Potomac River ngayong umaga ng Lunes, oras sa Amerika.

Ayon naman sa US Coast Guard nasa 200 vessels ang nagsasagawa na ng recovery at salvage efforts. Ipagpapatuloy aniya ang paghahanap hangga’t makumpletong makuha ang lahat ng katawan ng mga biktima sa plane crash.