-- Advertisements --

May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health.

Sa ngayon ay pumalo na sa 119 na mga Delta variant cases ang kumpirmadong local transmission ng nasabing virus.

Sa 55 na panibagong bilang ay isa na ang nasawi at 54 ang gumaling na.

Nasa 37 sa mga dito ay local cases habang 17 naman ay mga returning overseas Filipinos (ROF) na ang isang kaso ay kanilang mahigpit na biniberipika.

Sa 37 na local cases ay mayroong 14 kaso ay mula Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), walo dito ay mul asa Northern Mindanao, anim na kaso ay sa Metro Manila, anim sa Central Luzon, dalawa sa Davao Region at isa sa Ilocos Region.

Dahil dito ay sinabi ng DOH na kailangan ngayon ng gobyerno ng mas mabilis na implementasyon ng response strategies.