GUATEMALA CITY CITY – Magdedeklara si Guatemalan President Bernardo Arevalo ng tatlong araw na national mourning para sa mga biktima ng bus crash sa kanilang bansa.
Kasunod ito ng pagkasawi ng 55 pasahero sa nangyaring bus crash.
Batay sa ulat, sakay ng bus ang nasa 70 pasahero kabilang ang mga estudyante nang sumalpok ito sa gilid ng tulay bago tuluyang mahulog sa creek.
Hirap sa ngayon ang rescuers na ma-recover ang mga bangkay ng mga biktima dahil sa lalim ng bangin.
Nagpapatuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang sanhi ng aksidente.
Ang pangyayari ay itinuturing na isa sa deadliest road traffic accidents sa rehiyon sa loob ng ilang taon.
Bumuhos naman ang pagpapa-abot ng pakikiramay mula sa kanilang bansa hanggang sa mga karatig na lugar.