-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 5,500 na MILF Combatants ang sumailalim sa proseso ng decommissioning process ngayong buwan ng Septyembre na bahagi ng 12,000 sa kabuoan para sa ikatatlong yugto

Tumanggap rin ng 100,000 pesos na Transitional Cash Assistance ang 200 na mga myembro ng Moro Islamic Liberation Front na nagtapos sa decommissioning process.

Dala nang mga dating mga rebelde ang mga matataas na uri ng armas.

Bago lang ay inilunsad ng Independent Decommissioning Body (IDB) at mga kasapi ng Normalization Mechanisms ng GPH-MILF Implementing Peace Panel ang ikatatlong yugto ng Decommissioning process para sa Old Provincial Capitol sa Simuay Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.

Nanguna sa aktibidad si BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., IDB Chair Ambassador Ahmet Idem Akay, MILF Implementing Peace Panel Minister Mohagher Iqbal at ni Atty. Joana Paula Domingo ang OSAP Undersecretary bilang kinatawan ni Special Assistant to the President Secretary Ernesto Antonio Lagdameo Jr.

Sa ngayon ay umaabot na sa 19,345 na magdirigmang MILF ang matagumpay na sumailailim sa naturang proseso.

Ang Phase 1 ay ginanap taong 2015 habang ang Phase 2 naman ay ginanap mula taong 2019 hanggang 2020, at ang unang batch para ng Phase 3 ay mula 2021 hanggang ngayong taon.

Nagpasalamat si BARMM Chief Minister Ebrahim kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pagpapahalaga at pagsuporta sa peace process ng Bangsamoro.

Nagkaisa na rin ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) tungo sa kaunlaran at kapayapaan sa Mindanao.

Ang MILF decommissioning process ay bahagi ng security component ng Normalization Program na naglalayong gawing mapayapa at produktibong mamamayan ang mga dating mandirigma ng MILF.