Inihayagg ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mayroong 556 na insidente ng pag-crash ng mga electric bike (e-bikes) sa Metro Manila noong 2023.
Ayon sa datos ng LTFRB, ang pag-crash ng e-bike sa National Capital Region (NCR) ay nagresulta sa 281 pagkakataon ng pagkasira ng ari-arian, 273 non-fatal injuries at dalawang fatal injuries.
Ang mga crash insidents ay umusbong noong Agosto 2023 na may 64 na kaso, habang ang pinakamababang naitala ay umabot sa 26 na kaso noong Nobyembre 2023.
Ang Quezon City ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga insidente sa mga lungsod sa NCR na may 96 na kaso ng e-bike crash.
Sa mga ito, 42 ang naitala bilang pinsala sa ari-arian na may 54 na hindi nakamamatay na pinsala.
Noong Nobyembre 2023, iminungkahi ng Land Transportation Office (LTO) ang mandatoryong pagpaparehistro ng mga e-bikes, na nagsasabing ang mga rehistradong e-bikes lamang ang dapat payagang gumamit ng mga pampublikong kalsada.
Ayon sa LTO Administrative Order 2021-035, ang mga electric vehicle na may pinakamataas na bilis na mababa sa 25 kilometro bawat oras ay exempted sa rehistrasyon sa LTO.