CENTRAL MINDANAO- Nakapagtala muli ng Confirmed positive case ng Coronavirus Disease (Covid 19) ang probinsya ng Cotabato.
Ang biktima ay 56 anyos, lalaki at residente ng Libungan North Cotabato.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH-12) ang pasyente ay may travel history sa Makati City.
Kabilang siya sa Locally Stranded Individual (LSI) na sumakay nang sweeper flight mula sa Maynila patungong Cagayan De Oro City.
Sinundo ang biktima ng Task Force Sagip Stranded at dinala sa Libungan Quarantine Facility.
Ngunit may sakit itong co-morbidity: diabetes mellitus with uncontrolled blood sugar levels.
Kaya agad itong dinala sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) sa Cotabato City para ma-monitor ang kanyang blood sugar control.
Asymtomatic at nasa maayos na kondisyon ang pasyente at nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Nilinaw ng DOH-12 na hindi nakasamuha ng biktima ang kanyang pamilya at mga kamag-anak dahil diritso itong dinala sa quarantine facility.