Nasa 56 loose firearms na ang isinuko ng pamahalaang lokal ng Tawi-Tawi sa mga tropa ng Philippine Marines simula nuong January 2021.
Ito ay dahil sa patuloy na paghihikayat ng militar sa mga residente ng Tawi-Tawi at sa pinalakas na kampanya laban sa loose firearms.
Ayon kay Joint Task Force Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade Commander, Col. Romeo Racado, nasa pitong hindi mga lisensiyadong armas ang isinuko ni Panglima Sugala Mayor Nurbert Sahali sa militar nuong August 9,2021 na ginanap sa Municipal Hall ng Panglima Sugala sa Tawi-Tawi.
Sinabi ni Col. Racadio, ang nasabing hakbang ay resulta sa walang tigil na kampanya ng MBLT-12 laban sa loose firearms.
Sinabi ni Racadio, katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) at ang local government officials para tuluyan ng matigil ang paglaganap ng mga loose firearms sa nasabing probinsiya lalo na at nalalapit na ang 2022 national election.
Ang ceremonial turnover ng mga loose firearms ay tinunghayan ng mga opisyal ng Barangay Tongbangkaw.
“These firearms were surrendered by the residents of Tongbangkaw,” ayon kay Col. Racadio.
Dagdag pa ni Racadio na sa mga isinukong loose firearms 35 dito mga high powered firearms at 21 ang low-powered firearms.
Ayon naman kay MBLT-12 Commanding Officer, Lt Col. Charlie Caña, dahil sa mahigpit nilang koordinasyon sa mga opisyal ng barangay at sa komunidad dahilan para isuko ng mga nagmamay-ari ng mga armas na hindi lisensiyado.
“Together with the barangay officials, we continue to conduct security forums in the communities to convince the holders to surrender their undocumented/unlicensed firearms to avoid penalty,” wika ni Lt. Col. Caña.
Kabilang sa mga isinuko ng mga residente ng Tingbakaw ang dalawang M16A1 rifles, tatlong cal. 45 pistols, isang Garand rifle, at isang ART Colt 15/K69 with scope.
Pinuri naman ni Wesmincom Commander Lt Gen. Corleto Vinluan ang mga sundalong Marino sa kanilang effort na kumbinsihin ang mga sibilyan na isuko ang kanilang mga hindi lisensiyadong armas na bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms.
“This success is attributable to the interagency collaboration of the AFP together with the local government units and other law enforcement agencies in Tawi-Tawi. This contributed to the stable peace and order situation of the province,” pahayag ni Lt. Ge. Vinluan, Jr.