-- Advertisements --
Aabot sa 56 katao ang nasawi matpos ang naganap na stampede sa isang football match sa N’Zerekore City , Guinea.
Base sa mga otoridad na nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng mga fans.
Mas lalo pang lumala ang kaguluhan ng palabasin ang isang manlalaro matapos ang laro.
Ang nasabing laban ay final tournament inorganisa bilang pagkilala sa junta lider ng Guinea na si Mamady Doumbouya.
Si Doumbouya ang nagwagi noong kudeta sa taong 2021 at itinalaga niya ang sarili bilang pangulo.
Dahil sa labis na kaguluhan ay napilitang gumamit ng puwersa ang mga kapulisan para buwagin ang mga tao.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.