-- Advertisements --

56 na ang naiulat na nasawi at 67 ang nawawala dahil sa ilang araw nang malakas na pag-ulan sa katimogang bahagi ng Brazil na nag-resulta ng mataas na pagbaha at landslides. 

Ayon sa civil defense agency, halos nasa 25,000 residente na ang napilitang lisanin ang kanilang mga bahay at lagpas kalahating milyon na ang walang kuryente at malinis na tubig. 

Nitong Huwebes naman, May 2, ay nag-collapse ang ilang bahagi ng isang dam sa hydroelectric plant dahilan para malubog sa tubig ang mga siyudad na nasasakupan ng Taquari River valley. 

Ayon pa sa mga awtoridad, may posibilidad na ring mag-collapse ang isa pang dam dahil sa patuloy na pagtaas ng water levels nito.