Inaasahang maaapektuhan ang hanggang sa 560,912 ektarya ng mga palayan sa pananalasa ng bagyong Kristine, batay sa pagtaya ng ng Philippine Rice Information System(PRiSM).
Sa naunang pagtaya ng PRiSM, umaabot lamang sa 140,000 ektarya ng mga palayan ang inisyal na maaapektuhan ngunit dahil sa tuloy-tuloy na paglakas ng bagyo ay lalo pang lumubo ang inaasahang apektado.
Mula sa mahigit 560,000 ektarya ng palayan, 90,046 ektarya ay pawang nasa reproductive phase, habang 470,865 ektarya naman ang kasalukuyang nasa ripening stage.
Lumalabas na nakapag-ani na ang mga magsasaka ng mahigit 726,000 ektarya ng mga palayan bago pa man ang pagpasok ng bagyo sa teritoryo ng Pilipinas.
Ilan sa mga rehiyon na may malawak na palayang inaasahang maaapektuhan sa pananalasa ng bagyo ay ang Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos Region, at Bicol Region. (report by Bombo John)