-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong gabi ng Linggo na aabot sa 564 ang bagong COVID-19 cases sa buong bansa.
Dahil dito, pumalo na anila ang nationwide tally sa 3,670,739.
Sa ngayon, sinabi ng DOH na ang active case count ay 46,537.
Ang bilang naman ng recoveries ay pumalo na sa 3,566,492, habang ang death toll naman ay umakyat sa 57,610.
Ang mga rehiyon na mayroong pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na mayroong 2,307 infections, Region 4-A na may 1,253, at Region VI na may 903.