-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka matapos magbigti sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Efren Flamiano Licanto,57 anyos,may asawa at residente ng Purok Sto. Niño, Barangay Bai Sarapinang, Bagumbayan Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Bagumbayan PNP na nakita na lamang ng kanyang kamag-anak ang biktima na nakalambitin sa likod ng bahay nito at wala ng buhay.

Noong nakalipas na April 8 ay uminom din ng Poisonous Chemical (Insecticide) ang biktima kung saan dinala ito sa pagamutan at nakaligtas.

Personal na problema o sobrang depresyon ang posibling dahilan ng biktima para kitilin nito ang sariling buhay.

Wala namang nakitang foul play ang Bagumbayan PNP sa kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ng magsasaka.