CENTRAL MINDANAO – Sinimulan na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Aleosan, Cotabato ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash assistance ng pamahalaan para sa mga left-out beneficiaries ng bayan.
Unang natanggap ng 57 family beneficiaries ng dalawang barangay sa bayan kabilang ang 55 benepisaro ng Barangay New Leon at dalawa naman mula sa Brgy Palacat ang P5,000 na halaga ng cash assistance bawat isa.
Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang cross examination and validation ng MSWDO-Aleosan sa iba pang nagpalista bilang left-out beneficiaries na mula sa 17 barangay ng bayan.
Ayon kay MSWDO Aleosan head Emily Caballero, inaantay na lamang nila ang magiging beripikasyon mula sa central office ng DSWD upang matanggap na ang cash assistance para sa mga left-outs.
Humihingi naman ng pasensya at pang-unawa si Caballero sa mga benepisaro na hindi pa nakatanggap nito sa bayan ng Aleosan.