-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaso ang 57 na mga indibidwal sa Central Visayas kung saan karamihan sa mga ito ay opisyales dahil sa may kaugnayan sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program(SAP).

Ayon pa sa Criminal Investigation and Detection Group(CIDG-7) na ang mga ito ay opisyal sa barangay, may mga health workers, social workers, coordinators at SAP enumerators.

Karamihan sa mga natanggap na mga reklamo ng CIDG-7 na pinapaboran ng mga opisyales ang kanilang mga kamag-anak at sinali ang mga hindi kwalipikado sa SAP.