-- Advertisements --

Sinusulit ni Gary Valenciano ang tila “extension” ng kanyang buhay kasunod ng pagbunyag na siya pala ay minsan nang tinaningan ng doktor.

Ayon kay Gary o Edgardo Jose sa tunay na buhay, ilang beses na siyang nakipaglaban sa mga malulubhang health condition kabilang ang kamakailan lang na pagsailalim niya sa operasyon sa puso.

Nasundan pa ito ng pagka-diagnose kay Gary V na mayroong kidney cancer.

Napabalik-tanaw tuloy ito sa kanyang karanasan kung saan tinapat daw siya ng kanyang doktor noong 14-anyos pa lamang siya na hanggang 30 karagdagang taon na lamang siya mabubuhay dahil sa maagang pagkakaroon ng type 1 diabetes.

“When I was diagnosed when I was 14 years old, the doctor told my mother: Mrs. Valenciano, a type 1 diabetic is given an average lifespan of 30 years from the day of diagnosis. I was 14. So if you do the math, I should’ve died at around 44. Or maybe I got to 48, but with eyesight problems nerve endings, and all,” kuwento ni Valenciano sa show ni Toni Gonzaga.

Sa ngayon ay 57-anyos na ang tinaguriang Mr. Pure Energy at ipinagmamalaki niya ito hindi bilang hiram lamang na oras, kundi, ito ang tadhana sa kanya ng Diyos.

“I’m not ashamed to tell people how old I am because I’m not living on borrowed time. I’m living on His time,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang taon nang maging survivor ng Coronavirus Disease ang asawa niyang talent manager na si Angeli.