Sobrang saya ng Hollywood actor na si Nicolas Cage kasabay ng kumpirmasyon na ikinasal muli siya sa ika-limang pagkakataon.
Ayon sa 57-year-old “Face/Off” star, totoong misis na nito ang 26-year-old Japanese na nagngangalang Riko Shibata.
Noong nakaraang buwan aniya ginanap ang kanilang maliit lamang pero intimate wedding sa hotel sa Las Vegas na itinaon sa petsa ng birthday ng namayapang ama ng Japanese bride.
“It’s true, and we are very happy,” ani Cage.
Suot ng bride ang handmade Japanese bridal kimono mula sa Kyoto na mayroong tatlong layer.
Isa sa mga bisita ang ex-wife pero kaibigan pa rin ni Cage na si Alice at kanilang naging anak.
Sa Japan nagsimula ang love story ng dalawa at ngayo’y enjoy sa pamamasyal sa New York.
Samantala, kabilang pa sa mga naging asawa ni Cage ay si Erika Kookie na kontrobersyal dahil nagtagal lamang ng apat na araw at nauwi sa divorce.
Misis din nito noon ang American actress na si Patricia Arquette, at Lisa Marie Presley (People/OMG)