-- Advertisements --
Nakapagtala ng karagdagang 571 kaso ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 ang Pilipinas mula sa latest run sa 629 sequenced samples.
Ayon sa Department of Health (DOH) mayroon ng kabuuang 7,848 ang kaso ng Delta variant sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananatiling dominant variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Delta na nasa 40.54% mula sa kabuuang sequenced samples na 19,305 habang sinusundan ito ng Beta na may 18.75% at Alpha na nasa 16.36%.
Sa latest result ng mga sequenced samples, may na-detect din na isang kaso ng beta variant at isang positibo sa Alpha variant.
Muling nilinaw ni Vergeire na walang na-detect na kaso ng Omicron variant mula sa lahat ng samples na sinuri sa whole-genome sequencing.