-- Advertisements --
Norwegian Breakway cruise ship

Nasa bansa na ang 571 mga Filipino crew members ng Norwegian Breakway cruise ship mula sa Orlando, Florida.

Dahil sa nasabing bilang ay umaabot na sa kabuuang 16,000 na ang mga Filipino seafarers ang nakabalik na sa bansa.

Inilikas ang mga ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa iba’t ibang mga bansa.

Tiniyak ng DFA na dadaan ang mga ito sa quarantine bilang protocol na ipinapatupad sa bansa para hindi kumalat ang virus.