-- Advertisements --

Nasa 59 katao ang nasawi sa naganap na pagsabog ng fuel tanker sa northern Haiti.

Base sa imbestigasyon na nasangkot sa aksidente ang tanker sa lungsod ng Cap-Haitien bago ito tuluyang sumabog.

Tinangka kasi ng mga biktima na kunin ang mga tumapon na langis subalit bigla na lamang itong sumabog.

Tinakbo rin sa mga pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Idineklara naman ni Prime Minister Ariel Henry ang three days of mourning matapos ang insidente.