-- Advertisements --

Nasa 59 million households sa Luzon at iba pang mga power consumers  ang makikinabang sa pagbubukas ng Mariveles-Hermosa- san Jose Transmission Lines na siyang magsisilbing backbone facility para ma-stabilize ang power transmission services sa Luzon.

Ito ang siniguro ni NGCP President Anthony Almeda matapos ang isinagawang inagurasyon at energization sa nasabing pasilidad na kaniyang tinawag na critical component upang matiyak ang reliability at sustainability ng kanilang power grid.

Sinabi ni Alameda na itong critical backbone ay magbibigay ng bagong high voltage link na may kakayahang mag transmit ng 8,000MW na kuryente mula sa power plants sa Bataan at Zambales.

Pinasalamatan din ni Almeda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa commitment nito na palakasin pa ang mga imprastraktura ng bansa na siyang nagsisilbing driving force para makumpleto ang ilan sa mga big-ticket projects sa nakalipas na 12 buwan.

Kabilang sa mga big-ticket projects ay nasa Mindanao-Visayas Interconnection, partikular ang Cebu-Negros-Panay 230kV Interconnection, at ngayon ang full energization ng Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV line.

Ipinagmalaki ni Almeda na marami ng nagawa ang NGCP at marami pang gagawin para makatulong na maiangat ang ekonomiya ng bansa. 

Siniguro ni Almeda ang kanilang commitment na handang tumulong at sumuporta para sa paglago ng ekonomiya ng bansa at mabigyang ng magandang serbisyo ang mga Filipino.

Ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV project ay isang major componet ng NGCP Western Luzon 500kV transmission backbone ay isa sa long-term vision ng kumpanya na makapagbigay ng resilient at efficient power grid na makatugon sa tumataas na energy demand,

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng PhP20.94 Billion, kabilang ang 395 transmission towers, 275.6 circuit kilometers ng overhead lines, 2 new substations, at  2,000 MegaVolt Amperes (MVA) substation capacity.