-- Advertisements --

Kinumpirma ng isang mataas na opisyal sa Zamboanga del Norte na nasa 59 ang naiulat na nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa probinsiya habang 26 ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Vinta.

Ayon kay Zamboanga del Norte provincial planning officer Ryne Gustillo na ang dahilan ng mataas na bilang ng fatalities ay dahil biglang pagtaas ng water level na hindi inasahan ng mga residente.

Karamirahan sa naitalang fatalities ay sa munisipalidad ng Sibuco.

Sinabi ni Gustillo na first time sa history ng Zamboanga del Norte na nakaranas ng flash flood ang halos lahat ng munisipyo sa probinsiya.

Tiniyak naman ni Gustillo na kanila ng naabisuhan ang ang mga residente kaya lang ang mga nasa area na nasa bundok ay hindi nila ito inasahan na mangyayari.

Samantala, ilan sa mga lumikas na residente ay nakabalik na sa kanilang tahanan.

Iniulat naman ni Gustillo na nasa 35 mga kabahayan na gawa sa light materials ang “totally washed out” dahil sa pagbaha sa bayan ng Salug.