Umaabot na sa 59,608 ang master list ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga overseas Filipinos workers (OFW) na nagnegatibo sa RT-PCR test.
Inilathala ng PCG ang listahan sa gitna na rin nang patuloy na pagproseso ng gobynero ng Pilipinas sa pagdating ng mga OFWs, Filipino seafarers at non-OFWs.
Ang mga nadeklarang nag-negative sa COVID-19 ay basi sa ginagawang pagtala ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs mula pa noong May 24, 2020.
“Returning overseas Filipinos who are included in the master list are advised to coordinate with the PCG or OWWA personnel at the quarantine facility to process their return to their respective home province or home city,” bahagi pa ng abiso ng PCG. “Quarantine clearances shall be issued to returning overseas Filipinos at the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) or at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.”
NOTE: To access the updated version of the master list, visit this link: https://bit.ly/3hcH0er