Nasa 50 mga bansa na sa buong mundo ang nagsimula na ng kanilang mass vaccination laban sa coronavirus.
Nangunguna sa mga bansa na isinailalim na sa bakuna ang marami nilang mamamayan ay ang China na umaabot na raw sa 5 milyon katao ang nabakunahan na.
Bago lamang, nabigyan na rin ng “conditional approval” ang Sinopharm vaccine para ipamahagi sa merkado na sinasabing nasa 79 percent efficacy rate laban sa COVID-19.
Ang bansang Russia naman ay noong December 5 nagsagawa ng rolling out vaccinations sa kontrobersiyal na Sputnik V vaccine.
Ito ay inaprubahan na rin sa Belarus at Argentina at susunod ngayong buwan ang Algeria.
Sa mga western countries nauna ang Britanya sa vaccination.
Sumunod din dito ang Canada at United States.
Nagsimula na rin sa kanilang vaccination drives ang Switzerland at Serbia noong bago ang araw ng Pasko, marami na ring mga bansa sa Europe kasama na ang Germany ay noong nakaraang linggo nakapagsimula.
Nandiyan din ang Norway, ang Iceland na gamit nila ang Pfizer-BioNTech vaccine.
Sa Middle East, nauna ang United Arab Emirates gamit ang Sinopharm ng China doon sa capital na Abu Dhabi, nandiyan din ang Dubai gamit naman ang Pfizer-BioNTech.
Nagsimula na rin ang Saudi Arabia, Bahrain, Israel, Qatar, Kuwait, at Oman.
Sa Latin America, patuloy na rin ang Mexico, Chile at Costa Rica gamit ang Pfizer- BioNTech vaccine.
Ang Turkey ay magsasagawa ng vacciantion sa kalagitnaan nitong buwan.
Sa Asia ang Singapore ay naglunsad na rin.
Ang India, Japan at Taiwan, balak naman daw sa first quarter nitong 2021.
Ang Pilipinas at Pakistan sa second quarter, habang ang Afghanistan at Thailand ay sa kalagitnaan pa ng taon.