-- Advertisements --
Nasa ika-limang araw na sunod-sunod na mas mababa pa sa 3,000 ang naitatala ng Department of Health (DOH) na COVID-19 cases sa Pilipinas matapos ang panibagong 2,232 na mga nahawa.
Dahil dito nasa kabuuang 3,648,925 na ang tinamaan ng coronavirus mula noong nakaraang taon.
Sa ngayon bumaba pa sa 65,796 ang mga active cases sa bansa na siyang pinaka-lowest mula noong January 6, 2022.
Samantala mayroon namang naitalang 3,010 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 3,527,720.
Habang nasa 79 ang mga nadagdag sa mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus mula noong taong 2020 ay nasa 3,527,720 na.
Mayroong limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.